Ano ang palatandaan ng vaginal cancer?
Dr. Elicaño, itatanong ko lang po kung ano ang mga palatandaan ng vaginal cancer at ano pong edad ng babae ang karaniwang nagkakaroon nito. Marami pong salamat.” –ASUNCION ORCASITAS, Calapan, Or. Mindoro
Karaniwang ang mga kababaihan na nasa edad 45 hanggang 65 ang nagkakaroon ng vaginal cancer. Mabilis at hindi makontrol ang pagkalat ng malignant cells sa vagina.
Ang mga palatandaan ng cancer ay ang pagdurugo sa vagina sa oras ng pakikipagtalik, masakit na pakikipagtalik at pagkakaroon ng tubig-tubig na discharge.
Kapag ang cancer ay nakakalat na sa bladder at rectum, makadarama ng pananakit sa mga bahaging nabanggit.
Ang paraan ng paggamot sa vaginal cancer ay sa pamamagitan ng operasyon o pagtanggal sa bahaging may cancer. Isang paraan din ang hysterectomy kung saan inaalis ang lymph nodes o mga kulani sa pelvis. Ang radiotheraphy ay isa rin sa treatment.
Itinuturong dahilan ng vaginal cancer ang exposure ng ina sa estrogen sa panahon ng kanyang pagbubuntis. Kung ang pamilya ay may history ng cancer, malaki ang panganib na magkaroon ng vaginal cancer ang mga kaanak.
- Latest