^

Metro

2 sa 7 ‘cash houses’ konektado sa mag-asawang Velasco – NBI

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
2 sa 7 ‘cash houses’ konektado sa mag-asawang Velasco – NBI
National Bureau of Investigation.
Philstar.com / Irra Lising

MANILA, Philippines — Dalawa sa pitong tinukoy na “cash houses” ng dating police officer na si Rodulfo Gracioso Jr. ang na-validate ng NBI na konektado sa mag-asawang dating House Speaker Lord Allan Velasco at Rowena Velasco.

Ayon kay NBI Director Melvin Matibag, dalawang bahay sa Valle Verde, Pasig City ang binanggit ni Gracioso bilang umano’y pinagdalhan ng pera. Ang isa ay nakarehistro sa Eagle Assets and Realty Inc., na umano’y pinamumunuan ni Rowena, habang ang isa ay nakapangalan sa kanyang personal staff.

Patuloy na bineberipika ng NBI ang iba pang ari-arian na binanggit ni Gracioso, kabilang ang mga resort sa Marinduque, na iniuugnay rin sa mga kum­panyang konektado sa mag-asawang Velasco.

Nauna nang sinabi ni Gracioso na nakapag-deliver umano siya ng mahigit P2 bilyon kay Vice President Sara Duterte, P1 bilyon kay da­ting Pangulong Rodrigo Duterte at P100 milyon kay Davao City Rep. Paolo Duterte, sa utos umano ni Velasco.

NBI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with