Stepdad kalaboso sa sex slave ng dalagita

MANILA, Philippines — Swak na sa kulungan ang isang 41-anyos na stepfather kaugnay sa mahigit 2 taon na pang-aabusong sekswal habang nasa trabaho ang ina ng menor-de-edad na biktima, sa Las Piñas City, nitong Linggo.
Sa ulat ng Parañaque City Police Station, isinilbi ang warrant of arrest laban sa suspek sa ginawang operasyon sa isang residential condominium unit sa Las Piñas City, noong Setyembre 13.
Lumilitaw sa rekord ng kaso na ang menor- de-edad ay inabuso ng akusado sa maraming pagkakataon simula Agosto 2023 hanggang Set. 2025.
Isinasagawa umano ng akusado sa biktima ang pang-aabuso sa tuwing naiiwan sa bahay ang biktima habang nagtatrabaho ang ka-live-in.
Dahil sa isinampang kaso, nailagay ang akusado sa bilang Station-Level Top 5 Most Wanted Person sa buwan ng Setyembre. Inaresto siya sa bisa ng arrest warrant na inisyu ng Parañaque City court.
Natuklasan din na sa kabila ng may closed circuit television (CCTV) sa bahay ng biktima, kung saan kasama ang akusado, nagawang iwasan na mahagip ang mga pang-aabuso sa biktima dahil sa parte ng bahay na hindi abot.
Ang suspek ay nahaharap ngayon sa mabibigat na kaso, kabilang ang 7 counts ng Statutory Acts of Lasciviousness na may inirekomendang piyansa na P180,000 bawat bilang, bukod pa sa hiwalay na kaso sa ilalim ng Section 10(A) ng Republic Act No. 7610 (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act) na may inirekomendang piyansa na P80,000.
- Latest



















