^

Metro

P11.5 bilyon ilegal na droga nasamsam ng PNP sa unang 8 buwan

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
P11.5 bilyon ilegal na droga nasamsam ng PNP sa unang 8 buwan
Batay sa datos ng PNP, nagsagawa ang mga police unit ng 43,383 anti-drug opera­tions na nagresulta sa pagkakaaresto sa 50,766 indibidwal.
STAR / File

MANILA, Philippines — Tinatayang aabot sa P11.51 bilyon ang halaga ng mga ilegal na droga na nasabat ng Philip­pine National Police (PNP) sa kanilang mga operasyon mula Enero hanggang Agosto 2026.

Batay sa datos ng PNP, nagsagawa ang mga police unit ng 43,383 anti-drug opera­tions na nagresulta sa pagkakaaresto sa 50,766 indibidwal. Kabilang sa mga nakum­piska, ang humigit-kumulang 1.36 milyong gramo ng shabu, mahigit 3.61 milyong gramo ng tuyong marijuana leaves at higit 8.9 milyong marijuana plants.

Sa Agosto lamang, sinabi ng PNP na nakapagsagawa ito ng 5,306 operasyon, kung saan 6,044 indibidwal ang naaresto at ilegal na droga na tinatayang nagkakahalaga ng P599.89 milyon ang nasamsam.

Ayon kay PNP chief PGen. Jose Melencio C. Nartatez Jr., magpapatuloy ang kampanya laban sa ilegal na droga, ngunit dapat manatiling nakabatay sa batas, tamang proseso at paggalang sa karapatan ng mga indibidwal ang pagpapatupad nito.

Bahagi ang kampanya­ ng Focused Agenda ng PNP, partikular ang Enhanced Managing Police Operations (EMPO), na naglalayong mapalakas ang operasyon laban sa ilegal na droga at mapa­natili ang kaligtasan ng mga komunidad.

DRUGS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with