^

Metro

Higit P94 milyong kush nasabat sa NAIA

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Higit P94 milyong kush nasabat sa NAIA
Ayon sa IADITG, nadiskubre ang mga bagahe dakong alas-1 ng hapon sa Customs Secondary Inspection Area. Lulan ang mga ito ng Cebu Pacific Air Flight 5J 932. Naglalaman ang mga bagahe ng 62,980 gramo ng marijuana kush.
AFP / Geoffroy Van der Hassel

Buking sa 6 na bagahe

MANILA, Philippines — Aabot sa P94 milyon ang halaga ng kush na nakasilid sa anim na abandonadong bagahe ang nasamsam ng mga tauhan ng Ninoy Aquino International Airport Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) kamakalawa ng hapon sa NAIA Terminal 3 sa Pasay City.

Ayon sa IADITG, nadiskubre ang mga bagahe dakong alas-1 ng hapon sa Customs Secondary Inspection Area. Lulan ang mga ito ng Cebu Pacific Air Flight 5J 932. Naglalaman ang mga bagahe ng 62,980 gramo ng marijuana kush.

Napag-alamang nakapangalan ang tig-tatlong bagahe sa mga pasaherong tinukoy na Kato/Kazuki at Akahira/Makoto. Bawat bagahe ay naglalaman ng 19 vacuum-sealed bag ng marijuana kush.

Dinala sa PDEA Laboratory Service ang mga nakumpiskang droga para sa pagsusuri upang matukoy at makumpirma ang mga ito.

Nahaharap ang mga nasasangkot sa reklamong paglabag sa Section 4, Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, na isinampa sa Pasay City Prosecutor’s Office.

Patuloy naman ang imbestigasyon upang matukoy ang mga taong nasa likod ng pagdadala at pag-iwan ng mga bagahe. Ang NAIA-IADITG ay binubuo ng PDEA, Bureau of Customs, PNP Aviation Security Group, Airport Police Department, PNP Drug Enforcement Group, at National Bureau of Investigation at Bureau of Immigration.

KUSH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with