^

Metro

Higit P173 milyon benepisyo ng 260 retired employees sa Maynila ipinamahagi

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ipinamahagi na ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang kabuuang P173.6 milyon na terminal leave benefits para sa 260 retiradong empleyado ng pamahalaang lungsod na matagal nang naghihintay sa kanilang benepisyo.

Sa isang simpleng seremonya, pinangunahan ni Domagoso ang pamamahagi ng nasabing benepisyo sa Bulwagang Villegas kahapon. Aniya, may ilang retirado na umabot ng apat na taon ang paghihintay bago matanggap ang kanilang benepisyo.

Kabuuang P173,669,852 ang ipinamahagi sa mga retirado batay sa haba ng kanilang serbisyo. Pinakamalaking bahagi nito ang natanggap ng 91 empleyadong may 31 hanggang 40 taong serbisyo na umabot sa P83.2 milyon, habang P43.4 milyon naman ang napunta sa 24 empleyadong may mahigit 40 taong serbisyo.

Ayon kay Domagoso, 80 porsiyento ng mga benepisyaryo ay nagretiro sa kasalukuyang termino, habang ang iba ay mula sa mga nakaraang administrasyon.

Nangako rin ang alkalde na sisikaping maibigay agad ang terminal leave benefits sa mga susunod na retirado matapos makumpleto ang kanilang mga clearance.

BENEFITS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with