^

Metro

India, ADB pinag-aralan ang sistema ng Maynilad laban sa water losses

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinag-aralan ng dele­gasyon mula sa India at Asian Development Bank (ADB) ang mga pamamaraan ng Maynilad Water Services, Inc. (Maynilad) sa pamamahala at pagbawas ng non-revenue water (NRW) o tubig na nawawala bago pa masingil sa mga consumer.

Pinangunahan ni Saurabh Singh, Deputy Secretary ng Department of Economic Affairs ng India, ang delegas­yon na binubuo ng mga kinatawan ng pamahalaan ng India, ADB India Resident Mission at ADB Headquarters. Lumahok sila sa mga technical session at field demonstration na isinagawa ng Maynilad Water Academy (MWA).

Ipinakita sa mga bisita ang sistema ng Maynilad sa pagtukoy at pag-iwas sa water losses, kabilang ang paggamit ng acoustic leak detection sa field, centralized monitoring sa Central Control Room, pagsasanay sa mga tauhan at mga sistema para matiyak ang pananagutan sa operasyon.

Ayon sa ADB, maaa­ring magsilbing reference ang karanasan ng Maynilad sa NRW reduction para sa mga capacity-building program nito, lalo na sa mga water utility sa South Asia na humaharap sa malaking water losses at problema sa reliability ng serbisyo.

Ilang taon nang magkasosyo ang ADB at MWA sa mga capacity-building initiative gaya ng technical training, learning sessions at study visits para sa mga water utility sa rehiyon. Nagbukas din ang pagbisita ng posibilidad para sa technical exchanges, peer learning at pagbabahagi ng training approach ng MWA sa mga utility sa India at iba pang ADB member countries.

Ayon kay Edmundo M. Perez II, Officer-in-Charge ng MWA, hindi sapat ang kagamitan lamang para mapababa nang tuluy-tuloy ang NRW dahil kailangan din ng mga bihasang tauhan, maayos na field operations at sistemang nagbibigay-daan sa mabilis na pagtukoy at pag­responde sa mga leak.­

ADB

NRW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with