^

Metro

Ama, 2-anyos binaril sa loob ng bahay

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Ama, 2-anyos binaril sa loob ng bahay
Kinilala ang nasawi na si alyas “Aldrin”, ng Parola Compound, Brgy. 275, Binondo, Maynila at dalawang buwan pa lamang nakalalaya sa kaso ng illegal firearms.
STAR/File

MANILA, Philippines — Patay ang isang 31-anyos na ama habang sugatan ang kanyang 2-anyos na anak na babae nang pagbabarilin ng dalawa sa tatlong suspek na pumasok sa kanilang bahay sa Binondo, Maynila, Sabado ng madaling araw. 

Kinilala ang nasawi na si alyas “Aldrin”, ng Parola Compound, Brgy. 275, Binondo, Maynila at dalawang buwan pa lamang nakalalaya sa kaso ng illegal firearms.

Nagtamo naman ng tama ng bala sa leeg ang anak na babae ng biktima.

Arestado naman si alyas “Jay”, 43, pointman, residente ng Brgy. 286; habang tinutugis pa ang gunmen na sina alyas “Nino”, ng Brgy. 285 at alyas “Ulo”, 34, tambay, miyembro ng Batang City Jail at residente ng Delpan, Binondo.

Sa ulat ng Manila Police District (MPD), dakong alas-4:00 ng mada­ling araw nang maganap ang insidente sa San Miguel St., harapan ng Yamamura Storage, Brgy. 275, Binondo. Nakahiga ang biktima sa tabi ng dalawang anak at kinakasamang si Rachelle, 36, nang pasukin ng mga suspek at pagbabarilin ng dalawa.

Isinugod ni Rachelle ang biktima sa Gat Andres Bonifacio Hospital subalit namatay hanggang sa­ pag-uwi niya ay napansin na may daplis ng tama ng bala ang leeg ng anak.

Nadakip ang isa sa tatlong suspek na nagsilbing look-out bago ang pamamaril sa isinagawang follow up operation habang hina-hunting pa ang dalawang suspek ng special investigation team na binuo mula sa Homicide Section at Delpan Police Station. 

Makikita sa video footage na sumilip muna sa bahay ng biktima ang isa sa suspek na nakasuot ng jersey na pula, at sa isang footage ay nakita naman ang paglabas ng eskinita ng tatlong suspek matapos ang pamamaril. 

Inihahanda ang reklamong murder laban sa mga suspek.

Nabatid na ang biktima ay dati umanong drug user at sangkot din sa pagtutulak kaya isa ito sa motibong tinitingnan ng pulisya. 

Todo tanggi naman ang kinakasama ng biktima na iligal na droga, ang motibo sa pagpatay.

CRIME

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with