Higit 14K ng expired na karne, food products nasabat
MANILA, Philippines — Umabot sa 14,541.57 kilo ng expired meat at iba pang food products ang nakumpiska sa magkahiwalay na operasyon ng National Meat Inspection Service (NMIS), National Bureau of Investigation (NBI), at City Veterinary Services Office (CVSO) sa Valenzuela City.
Lumilitaw sa ulat na Hulyo 10, 2026 nang magsagawa ng operasyon ang NMIS at NBI, at nakumpiska ang 7,600.21 kilo ng expired imported frozen meat products, kabilang ang beef, pork, at chicken, na ibinebenta online sa Brgy. Arkong Bato. Nasa kustodiya na ng NMIS ang mga ito at isasailalim sa tamang disposal ng Bureau of Animal Industry.
Samantala, nasamsam din ang 6,941.36 kilo ng iba’t ibang food products noong Hulyo 11, sa operasyon ng CVSO sa Brgy. Gen. T. de Leon. Kabilang dito ang pork, beef, chicken, french fries, assorted vegetables, duck breast, at iba’t ibang uri ng seafood. Matapos ang masusing inspeksyon, ang mga ito ay itinuring na hindi ligtas para sa konsumo at isasailalim sa tamang proseso ng disposal.
Para sa mga katanungan, paglilinaw, o pag-uulat kaugnay ng mga kahina-hinalang produktong karne, maaaring makipag-ugnayan sa City Veterinary Services Office (CVSO) sa 8352-2000 loc. 2111.
- Latest

















