^

Metro

‘White Ribbon March’ sigaw accountability, impeachment trial ni VP Sara

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
‘White Ribbon March’ sigaw accountability, impeachment trial ni VP Sara
Lumahok ang iba’t ibang religious groups at civil society organizations sa “White Ribbon March” na ipinanawagan na wakasan ang katiwalian at pagkakaisa sa katotohanan sa People Power Monument sa Quezon City.
Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Tinatayang nasa mahigit 3,500 katao ang nakiisa sa White Ribbon March na isinagawa ng mga simbahan at iba’t ibang civil society organizations sa EDSA People Power Monument sa Quezon City nitong Linggo bilang panawagan para sa pananagutan ng mga opisyal ng pamahalaan at paglaban sa katiwalian.

Nabatid na bahagi ng pagkilos ang patuloy na panawagan para sa accountability kaugnay ng impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte at ng imbestigasyon sa umano’y mga iregularidad sa mga flood control project.

Nilinaw ni BAYAN president Renato Reyes na ang kilos-protesta ay hindi pabor kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. o Vice President Duterte. Aniya, layunin ng pagtitipon na papanagutin ang sinumang mapatutunayang sangkot sa katiwalian, anuman ang kanilang posisyon o kaalyadong pulitikal.

Sinimulan ang programa sa pamamagitan ng isang misa na pina­ngunahan ni Bishop Jose Colin Bagaforo, na nanawagan sa mga opisyal ng pamahalaan na isantabi ang pansariling interes at unahin ang tapat na pagli­lingkod sa taumbayan. Sinundan ito ng martsa at programa na dinaluhan ng mga kinatawan ng iba’t ibang religious at civil society groups.

Para naman sa Philippine National Police, naging mapayapa ang isinagawang pagtitipon at walang naitalang anumang hindi kanais-nais na insidente. Gayunman, nakaranas nang mabigat na daloy ng trapiko sa northbound lane ng EDSA-Ortigas habang isinasagawa ang martsa.

MARCH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with