Rider todas sa sumemplang na motorsiklo
MANILA, Philippines — Isang motorcycle rider ang namatay matapos na mawalan ng kontrol sa kanyang minamanehong motorsiklo sa Tondo, Maynila kamakalawa.
Dead-on-the-spot ang lalaking biktima na residente ng Caloocan City, bunsod ng tinamong matinding pinsala sa kanyang ulo.
Batay sa ulat ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), dakong alas-5:27 ng madaling araw nang maganap ang aksidente sa northbound lane ng Juan Luna St., sa Tondo.
Nauna rito, binabagtas ng biktima ang naturang lugar patungo ng Caloocan City, nang bigla na lang itong mag-swerve.
Dito na umano nawalan ng kontrol sa minamanehong motorsiklo ang biktima na nagresulta sa kanyang pagbangga.
Sa tindi ng impact ng pagkakabangga, tumilapon pa ang biktima at nagtamo ng matinding pinsala sa kanyang ulo na kanyang agarang pagkasawi.
- Latest


















