Quezon City LGU, DHSUD, NHA magtatayo ng in-city vertical housing

MANILA, Philippines — Nagkasundo na ang Quezon City government, Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at National Housing Authority (NHA) para sa pagpapatayo ng isang build in-city vertical housing para sa mga pamilyang nasunugan ng bahay sa NIA Road sa Brgy. Pinyahan noong nagdaang Marso 6.
Ayon kay QC Mayor Joy Belmonte, tiyak nang may permanenteng bahay ang mga na-displaced na residente sa lugar na isasagawa sa ilalim ng Expanded Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Program ng pamahalaan na flagship housing initiative ning Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr..
“We are working closely with DHSUD to develop an in-city vertical housing project. We want to assure affected families that they will be prioritized and will benefit from the housing we are planning to build,” pahayag ni Belmonte.
Sa ginawang joint site inspection kay DHSUD Secretary Jose Ramon Aliling at NHA General Manager Joeben Tai, napagkasunduan ng mga ito na magtayo ng multi-storey residential buildings sa lugar bilang bahagi ng in-city resettlement plan ng QC sa mga biktima ng sunog.
Isinasapinal na ngayon ng QC LGU, DHSUD at NHA ang project’s development plan kasama na ang bilang ng mga gusali at kung ilang palapag.
Agad sisimulan ang proyekto, na may unang housing units na target buksan sa katapusan ng buwan ng taong 2027.
- Latest






















