Guo nakakatanggap ng ‘VIP treatment’ sa CIW?

MANILA, Philippines — Ikinabahala ng pamahalaan ang ulat na nakakatanggap umano ng ‘special treatment’ si dating Bamban, Tarlac mayor Alice Guo ilang araw pa lamang matapos siyang ma-detain sa Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong City.
Ayon sa mga ulat, posible umanong nagkaroon si Guo ng ilang pribilehiyong hindi karaniwang ibinibigay sa ibang persons deprived of liberty (PDLs), na nagdulot ng pangamba tungkol sa umano’y paborableng trato sa loob ng pasilidad.
Batay sa mga impormasyon, dalawang lalaking “mukhang Tsino” umano ang bumisita sa kanya nitong weekend nang apat na beses. Hindi raw sila mga abogado o mga kinatawan ng Embahada ng China.
May mga ulat ding umano na nakakuha si Guo o Guo Hua Ping, ng personal na cellphone ilang araw matapos siyang ma-detain, na umano’y dinala ng kanyang mga bisita.
Maaring makakonekta siya sa mga kontak sa labas ng kulungan, kabilang ang mga nasa ibang bansa, at posibleng makatulong ito sa anumang pagtatangkang mapaaga ang kanyang paglaya.
Nagbabala din si Department of Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla ang Malacañang na labag sa batas ang umano’y mga espesyal na pribilehiyong ibinibigay kay Guo, ng mga opisyal ng CIW.
- Latest




















