Alice Guo ililipat na sa Correctional ngayong lingo

MANILA, Philippines — Ililipat na anumang araw ngayong linggo sa Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong City mula sa Pasig City Jail ang sinibak na dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, ayon sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), nitong Miyerkules.
Kinumpirma ni BJMP spokesperson Jail Supt. Jayrex Bustinera na natanggap na ng Pasig City Jail-Female Dormitory ang commitment order na inilabas ng Pasig City Regional Trial Court Branch 167.
Kailangan muna aniyang matapos ang proseso ang medical at laboratory examination kay Guo, na isa sa protocol bago ilipat ng kustodiya ang detainee at kapag may medical clearance na ay saka ibibiyahe patungong CIW.
Noong Nobyembre 27, 2025 nang ibasura ng Pasig court ang “Motion to Remain at the Pasig City Jail Dormitory” ni Guo. Si Guo o Guo Hua Ping at iba pang kapwa akusado sa kasong qualified human trafficking kaugnay sa operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operation (POGO) hub sa Tarlac noong Nob. 20, 2025 at hinatulan ng reclusion perpetua o kulong ng habambuhay at pinagmumulta ng tig P2-milyon.
- Latest
















