^

Metro

Bangkay ng dalagita, iniluwa ng Pasig River

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bangkay na ang isang dalagita nang matag­puang palutang-lutang sa Pasig River, sa San Nicolas, Manila, kamakalawa.

Batay sa ulat ni PSMS Paul John Dela Fuente, duty investigator ng Del Pan Police Station ng Manila Police District (MPD), nabatid na pasado alas-11:00 ng umaga nang makatanggap sila ng tawag mula sa Philippine Coast Guard (PCG) hinggil sa isang palutang-lutang na bangkay sa docking area ng Philippine Ports Authority (PPA) na sakop ng Barangay 275. Hindi na pinangalanan ang biktima na 17-anyos lamang at residente ng naturang lugar.

Ayon kay Dela Fuente, isang tugboat na humihila ng barge at ng mga bangka ang nakadiskubre sa bangkay kaya’t dinala nila ito papunta sa pampang ng Del Pan. Aniya, maaaring matagal nang nakababad sa tubig ang bangkay ng biktima dahil lumulobo na ito nang kanilang matagpuan.

Positibo naman umanong kinilala ng kanyang mga magulang ang biktima. Ayon sa ina ng biktima na si Beverly, huli niyang nakitang buhay ang anak noon pang Huwebes ng hapon sa tricycle kung saan ito madalas na tumambay kasama ang kasintahan.

Pinapauwi na umano niya ito ngunit ayaw umanong umuwi ng dalagita dahil hinihintay pa nito ang kanyang kasintahan.Hindi na umano nakauwi pa ang dalagita kaya’t hinanap umano nila ito ngunit hindi natagpuan.

Batay naman sa kuha ng CCTV ng Barangay 284, pasado alas-6:00 ng umaga noong Biyernes nang magpaalam ang kasintahan sa biktima habang nakita ring umalis na sa tricycle ang biktima makalipas ang isang oras at hindi na bumalik.

Ilang residente naman umano ang nakapansin na may isang lalaking nakabisikleta na madalas lumalapit sa biktima at nagbibigay ng pera.Umaasa naman ang ginang na makikita ang naturang lalaki na maaari aniyang maging susi para mabunyag ang totoong nangyari sa anak.

CCTV

PCG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with