^

Metro

Oil spill sa Valenzuela: Pabrika ng bakal, pinadlock

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinasara ni Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian ang isang pabrika at pagawaan ng mga bakal sa lungsod nang magkaroon ng oil spill na mapanganib sa daluyan ng tubig at kalusugan ng mga residente sa Brgy. Lingunan at Brgy. Veinte Reales kahapon ng umaga.

Sa Executive Order na nilagdaan ni Gatcha­lian nitong Hulyo 24, inutos nito ang agarang temporary closure laban sa Maxima Steel Mills, Corp.  kasunod ng reklamo ng mga residente ng masangsang na amoy mula sa estero.

Ayon sa City Environment and Natural Resources Office (CENRO) agad nilang tinungo ang lugar kasama ang Sanitation Office, Bureau of Fire Protection at mga tauhan ng barangay kung saan lumitaw na sa naturang planta galing ang oil spill.

Nahaharap ang nasabing kompanya sa mga paglabag kabilang ang kawalan ng kaukulang permit bilang manufacturer ng steel bars, paglabag sa Sanitation Code sa paglikha ng public nuisance at mabahong effluent, paglabag sa Clean Water Act dahil sa ilegal na pagtatapon ng maruming tubig at pagtatago ng ebidensya at paglabag sa Oil Pollution Compensation Act sa ilegal na pagtapon ng langis sa tubig-tabang.

Namahagi na rin ang Valenzuela LGU ng facemasks, gamot at health education mate­rials sa mga apektadong residente.

“Hindi namin hahayaang malagay sa peligro ang kalusugan ng mamamayan!” ayon sa opisina ni Mayor Gatcha­lian.

OIL SPILL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with