‘Tabatsoy’ na pulis papapayatin ng ‘Pulisteniks’

MANILA, Philippines — Sa pagbabalik ng ‘Pulisteniks’, nakatitiyak ang Philippine National Police (PNP) na mawawala na ang mga tabatsoy na pulis na bahagi ng physical fitness conditioning program ng PNP.
Ayon kay PNP chief Gen. Nicolas Torre III, ang regular physical conditioning program o mas kilala bilang “Pulisteniks” ay gagawin tuwing Martes at Huwebes.
“This initiative is not just about stretching or running laps. It is about recognizing a simple truth that too often gets overlooked: A healthy body is a healthy mind,” ani Torre.
Dagdag pa ni Torre, dapat gawin bahagi ng lifestyle ng isang pulis ang pagiging malusog, pagkakaroon ng malinaw na isipan, matatag ang loob, at mabilis ang kilos.
Sa pagkakaroon ng maayos na pangangatawan ng mga pulis, magagampanan ng mga ito ng maayos ang kanilang mandato.
Umaasa naman si Deputy Chief PNP for Administration, Police Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., na susunod ang lahat ng pulis para na rin sa mas epektibong PNP.
- Latest
















