3 ‘illegal alien’ timbog sa BI

MANILA, Philippines — Arestado sa mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Zamboanga del Sur ang tatlong dayuhan matapos na madiskubreng gumagamit ng illegally-acquired Philippine identity.
Sinabi ni Immigration Commissioner Joel Anthony Viado, ang pag-aresto ay mula sa pinaigting na kampanya ng BI laban sa mga ilegal na dayuhan na gumagamit ng mga pekeng pagkakakilanlan, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na pigilan ang mga banta ng dayuhan na pumasok at gumala sa bansa.
Kinilala ang mga naaresto na sina Wang Yunpeng, 46; si Liu Yang, 45 at Lin Shaozhang, 34
Aniya, ang mga dayuhang nagpapanggap na Pinoy ay maaaring naglalagay ng kanilang sarili sa bansa para sa paniniktik, o para gumawa ng mga kriminal na aktibidad.
Ibinahagi ni Viado na ang mga intelligence operatives ng BI sa Rehiyon 9, sa pakikipag-ugnayan sa mga intelligence unit ng Philippine army at Armed Forces of the Philippines, at 53rd Infantry Battalion, ay nagsagawa ng serye ng pag-aresto sa peninsula.
- Latest