^

Metro

PNP walang kinukuhang fitness instructor – Torre

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
PNP walang kinukuhang fitness instructor – Torre
PNP chief Gen. Nicolas Torre III. on March 13, 2025.
STAR / Noel Pabalate

MANILA, Philippines — Nilinaw ng Philippine National Police (PNP) na wala silang kinukuha o pinahintulutan na maging fitness instructor para sa anumang physical fitness program para sa buong organisasyon.

Ito ay matapos na maimbitahan ng Public Community Affairs and Development Group (PCADG) ang fitness vlogger na si Rendon Labador para sa 93 weight loss challenge sa naturang yunit.

Sa naging memo na inilabas ni PNP Directorate for Police Community Relations Director PMGen. Ro­derick Augustus Alba, ang naturang physical activity nitong nakaraang Huwebes, Hunyo 19 ay inisyatibo ng PCADG at ng mismong mga miyembro lamang ng yunit ang kabilang dito.

Batay pa sa memorandum, inatasan ang mga kapulisan na tigilan ang pagbabahagi ng mga misleading contents dahil wala namang naging utos ang hepe na kumuha ng fitness instructor para pangunahan ang kahit anong physical activities o trainings.

Ito aniya ay para maiwasan ang paglaganap ng mga maling impormasyon na maaring maging rason ng pagkalito ng publiko.

Samantala, nauna naman dito ay wala ring naging personal na kaalaman si PNP Spokesperson PBGen. Jean Fajardo hinggil sa pagiging fitness coach ni Labador sa PNP.

PNP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with