^

Metro

‘Buy one, give one’ scheme ng patrol car

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
‘Buy one, give one’ scheme ng patrol car
Sa kanyang pagsasalita sa Regional Peace and Order Council–National Capital Region (RPOC–NCR) sa Taguig City, sinabi ni Remulla na nakakalungkot na nasa 635 lamang ang police cars sa MM na may 14 milyon populasyon kumpara sa Ca­vite na may 801 police cars at may populasyon na 4.5 milyon lang.
Jean Mangaluz / Philstar.com

DILG sa Metro Manila LGU

MANILA, Philippines — Inirekomenda ni Interior and Local Government Secretary Jonvic  Remulla sa Metro Manila Mayors ang ‘buy one, give one’ scheme sa pagkakaroon ng mobile cars na makatutulong sa pagresponde sa mga emergency  cases.

Sa kanyang pagsasalita sa Regional Peace and Order Council–National Capital Region (RPOC–NCR) sa Taguig City, sinabi ni Remulla na nakakalungkot na nasa 635 lamang ang police cars sa MM na may 14 milyon populasyon kumpara sa Ca­vite na may 801 police cars at may populasyon na 4.5 milyon lang.

“What I am proposing is we go back-to-back. You buy one, we give you one,” ani Remulla.

Ani Remulla sa bawat mobile car na bibilhin ng LGU, tutumbasan ito ng DILG.

Samantala, plano rin ng DILG na bumili ng mas maraming motorsiklo na gagamitin ng mga pulis sa kanilang ­paglilibot, pagmo-monitor at pagresponde.

Nabatid kay Remulla na  mas maraming pulis ang mahusay na magmotorsiklo kumpara sa pagmamaneho ng kotse.

“50% of our police force cannot drive, but 90% know how to ride a scooter,” ani Remulla.

Maging ang pagbili ng mini fire trucks ay pinag-aaralan ng DILG upang madaling mapasok ang mga maliliit na lugar sa kasagsagan ng sunogM.

JONVIC REMULLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with