^

Metro

Palaboy, todas sa tandem

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Palaboy, todas sa tandem
Kinilala lamang sa alyas na “Tata” ang nasawing biktima na tinata­yang nasa edad na 40-50, nakasuot ng pula na jag t-shirt saka  itim na pantalon.
STAR/File

MANILA, Philippines — Patay ang isang street dweller habang sugatan ang barker ng isang pampasaherong jeepney makaraang pagbabarilin ng dalawang  motorcycle riding-in-tandem sa bahagi ng McArthur Bridge, Ermita, Maynila kahapon ng madaling araw.

Kinilala lamang sa alyas na “Tata” ang nasawing biktima na tinata­yang nasa edad na 40-50, nakasuot ng pula na jag t-shirt saka  itim na pantalon.

Sa impormasyon na ibinigay ng biktima sa mga awtoridad, isang alyas “Pipoy” at alyas “Danny” ang sangkot sa pamamaril sa kanila. Ginagamot na sa Justice Jose Abad Santos Memorial Medical Center ang sugatan na si Ronnie Quintos, 53-anyos, nakatira sa McArthur bridge.

Sa ulat, dakong alas-4:46 ng madaling araw nang i-report sa Manila Police District-Station 5 ang naganap na pamamaril.

Natukoy naman ang pagkilanlan ng dalawang suspect nang kapana­yamin ng imbestigador si Quintos, kaya nagsasagawa na ng backtracking sa kuha ng CCTV ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at dito’y nakita ang pagsulpot ng motorsiklo mula sa Arroceros Extension.

Ang pangyayari ay nasaksihan ng 11-anyos na babaeng anak ni Quintos dahil sa tulay lamang ang mga ito natutulog.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with