^

Metro

3 Obrero sugatan sa Tondo explosion

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tatlong obrero sa konstruksiyon ang na­sugatan sa pagsabog matapos matamaan ang pipeline ng krudo sa ilalim ng lupa ng ginagawang storage ng isang gasoline station sa Tondo, Maynila, nitong Sabado ng umaga.

Nagtamo ng burn injuries sa mukha at iba pang parte ng katawan ang mga biktimang sina Edzel Eustaquio, 24-anyos; at Arnulfo Meru, 25-anyos; habang sugatan lamang sa mukha at kamay ang biktimang si Alvin Pagtabunan, 31-anyos, pawang residente ng Barangay 20, Isla Puting Bato, Tondo na kasalukuyan pang nilalapatan ng lunas sa Tondo Medical Hospital.

Sa ulat ng Manila Police District-Station 1, dakong alas-9 ng umaga nang mangyari ang pagsabog sa loob ng Mega Genesis Trading Corporation sa Road 10, Magsaysay Village, Vitas, Tondo.

Sa inisyal na imbestigasyon, nagtatrabaho ang mga biktima sa loob ng Mega Genesis Gasoline Warehouse bilang cons­truction workers sa ilalim ng Jet Fuel Construction Corporation, para sa imbakan ng crude oil, nang may tamaan at mabutas umano ang isang pipeline na konektado sa crude oil dahilan upang sumabog.

Dalawa sa tatlong biktima ang mas napuruhan dahil sila ay nasa loob ng hukay nang maganap ang insidente.

ACCIDENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with