^

Metro

4 magkapamilya kalaboso, kinasuhan

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
4 magkapamilya kalaboso, kinasuhan
Nasa kustodiya na ng Pasay City Police Station, ang mga suspek na sina “Jereeko”, 24; “Jimuelle”, 22; “Jeannine”, 25; at ­“Eleanor”, 53 na nahaharap sa reklamong attempted homicide, malicious mischief at unjust vexation.
STAR/ File

May-ari ng punerarya hinataw sa ulo

MANILA, Philippines — Apat na miyembro ng isang pamilya ang inaresto matapos pagtulu­ngan bugbugin at hatawin sa ulo ang may-ari ng punerarya at agawan ng cellphone ang ina nito matapos na masunog ang isang punerarya nitong Martes ng gabi sa Pasay City.

Nasa kustodiya na ng Pasay City Police Station, ang mga suspek na sina “Jereeko”, 24; “Jimuelle”, 22; “Jeannine”, 25; at ­“Eleanor”, 53 na nahaharap sa reklamong attempted homicide, malicious mischief at unjust vexation.

Bandang alas-11:00 ng gabi ng Hunyo 17 nang maganap ang pag-aresto sa mismong compound ng isang kilalang funeral homes sa Arnaiz Ave., Brgy. 66, Pasay, ilang oras matapos ­maapula ang sunog.

Nagsimula ang insidente nang magpakain sa mga bumbero ang mga biktimang sina alyas “Rhino” at ina na si alyas “Mam Baby” sa mga bumbero.

Bigla na lamang umanong binuhusan ng tubig ni Jeanine si Mam Baby kaya pumalag ang anak na si Rhino, na pinalo naman sa ulo nila Jereeko at Jimuelle. Lalo pang lumala ang gulo nang agawin ni Eleanor ang cellphone ni Mam Baby at dinurog.

Sa pagresponde ng mga pulis, pumasok sa kanilang bahay ang mga suspek at umiwas hanggang sa makumbinsing sumuko dakong alas-11:30 ni PColonel Joselito De Sesto, hepe ng Pasay CPS, kasama ang Special Weapons and Tactics (SWAT) at ­Tactical Motorcycle ­Riding Unit (TMRU).

Nabatid na naganap ang sunog sa loob ng compound na nagsimula sa rooftop umano ng funeral homes na ­naging tensyonado dahil sa may apat na nakaburol na kinailangang ilikas at ikarga sa karo.

Mabilis namang nailikas ang mga nakaburol at naapula ang apoy.

Hindi naman tinukoy ang sanhi ng alitan ng dalawang pamilya.

ELEANOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with