Crackdown vs ‘big fish’ smuggler ng sibuyas pinaigting ng DA at PNP
MANILA, Philippines — Pinaigting pa ng Department of Agriculture (DA) at Philippine National Police (PNP) ang anti-smuggling campaign kasunod ng serye ng kaso ng smuggling sa Cagayan de Oro, Subic, at Maynila.
Ayon kay Agriculture Secretary Herman Tiu Laurel, ito’y bunsod nang pagsasabatas ng Anti-Agricultural Economic Sabotage Act na nagpapalakas sa implementasyon, at direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na protektahan ang mga magsasaka, consumers at lokal na mga negosyo at bantayan ang kalusugan ng publiko laban sa mga walang konsensiyang negosyante.
Ani Tiu Laurel, ang mga hinihinalang puslit na sibuyas na malalaki at malinis kaysa sa lokal na sibuyas ay naglipana sa mga palengke sa kabila ng kawalan ng import permits.
Target nila ang mga ‘big fish’ at handa silang salakayin ang kanilang mga warehouse.
Ipinaalala nito na maaaring managot ang buong supply chain sa ilalim ng bagong batas, kabilang na ang brokers truck drivers at retailers.
Sa mga nakalipas na inspection ay nakakita ng latak ng E. coli at heavy metals sa mga smuggled na puting sibuyas.
- Latest