Taga-NCR, wagi ng P25 milyong jackpot prize sa Lotto 6/42 ng PCSO
MANILA, Philippines — Inanunsiyo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na isang taga-National Capital Region (NCR) ang pinalad na magwagi ng tumataginting na P25 milyong jackpot prize ng Lotto 6/42 na binola kamakalawa ng gabi.
Batay sa abiso ng PCSO, matagumpay na nahulaan ng lucky winner ang winning combination na 02-14-16-28-22-30 kaya’t naiuwi nito ang katumbas na jackpot prize na P25,051,343.80. Nabili ng lucky winner ang kanyang lucky ticket sa Zapote, Las Piñas City.
Inabisuhan ng PCSO ang lucky winner na magtungo sa kanilang punong tanggapan sa Mandaluyong City upang makubra ang panalo.
Kailangan din umano nilang iprisinta ang kanilang winning ticket at dalawang balidong IDs.
Nagpaalala naman ang PCSO na ang lahat ng premyong lampas ng P10,000 ay papatawan ng 20% tax, alinsunod sa TRAIN Law.
- Latest