^

Metro

Higit P16 milyong halaga ng droga, naharang sa NAIA

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tumitimbang ng halos apat na kilo ang mahigit P16 milyong iligal na droga na naharang ng Bureau of Custom (BOC) sa Ninoy ­Aquino International Airport (NAIA) nang tangkang palusutin sa pamamagitan ng Central Mail Exchange Center sa Pasay City.

Ayon sa BOC, ­Hunyo 19 nang masabat ang mga iligal na droga na kinabibilangan ng 858 grams ng kush o high-grade marijuana na nagkakahalaga ng P1.2 milyon at 3,025 grams ng Ketamine na nagkakahalaga ng P15.12 million.

Kabilang sa mga kinumpiska ng NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group at Philippine Drug Enforcement ­Agency ang dalawang parcel na naglalaman ng kush na mula Estados Unidos at Thailand ay itinago sa mga karton habang nakalagay sa limang plastic bags ang ketamine na galing sa Poland na itinago sa loob ng isang coffee maker.

Nai-turnover na ang mga parcel sa PDEA para sa kaukulang imbestigasyon habang wala pa ring nagke-claim hanggang sa ngayon.

NAIA

PDEA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with