Russian YouTuber, ibinalik sa kustodiya ng BI
MANILA, Philippines — Ibinalik sa kustodiya ng Bureau of Immigration (BI) mula sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang YouTuber na si Vitaly Zdorovetskiy matapos magpiyansa para sa 3 counts ng kasong unjust vexation sa Taguig City Regional Trial Court.
Sinabi ni BI Commissioner Joel Anthony Viado, bagama’t nagpiyansa si Zdorovetskiy hindi pa ito lusot sa kaso.
Hindi pa rin naman ito maaaring i-deport dahil dinidinig pa ang deportation case.
Sakaling ma-convict, sinabi ni Justice Secretary Crispin Remulla na makukulong si Zdorovetskiy ng hanggang 18 buwan.
Dagdag pa ni Remulla, wala sa Russia o Amerika ang nais na tumanggap kay Zdorovetskiy sakaling ipadeport.
- Latest