Teves ibabalik sa kulungan – DILG

Matapos hospital recovery
MANILA, Philippines — Tiniyak ng Department of Interior and Local Government (DILG) na ibabalik sa kanyang kulungan sa Metro Manila District Jail si dating Negros Oriental Representative Arnolfo Teves, Jr. matapos ang hospital recovery nito.
Ang paniniyak ay ginawa ni DILG Secretary Jonvic Remulla sa kabila ng mga pangamba at agam-agam na tatakas ito matapos ang kanyang operasyon.
“Sinisigurado kong hindi siya makakatakas sa hustisya at hindi rin siya makakatakas kung sabihin niyang anumang excuses,” ani Remulla sa paglulunsad ng National Forensics Institute sa University of the Philippines Manila.
Si Teves na kasalukuyang naka-confine sa Philippine General Hospital dahil sa appendectomy emergency ay nahaharap sa kasong multiple murder kaugnay ng pagpaslang kay Governor Roel Degamo at siyam na iba pa noong Marso 2023.
Sinabi naman ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na sinusunod nila ang lahat ng detention protocols.
Samantala, itinakda sa Hunyo 26 ang arraignment ng dating kongresista.
- Latest