^

Metro

Abante, nanalo sa 2025 midterm polls – Comelec

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Abante, nanalo sa 2025 midterm polls – Comelec
Representatives from various socio-civic organizations led by election watchdog Kontra Daya participate in the automated counting machine (ACM) demonstration by the Comelec at the University of the Philippines in Diliman, Quezon City on June 28, 2024.
STAR / Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Idineklara ng Commission on Elections (Comelec) si Cong. Bienvenido “Benny” Abante Jr. bilang nanalong kandidato sa katatapos na May 12 congressional race sa Manila 6th District, matapos nitong ipawalang-bisa ang certificate of candidacy (COC) ng kanyang kalaban sa halalan na si Luis “Joey” Chua Uy.

Sa desisyon ng Comelec 2nd Division, nabatid na idineklara ng Comelec na hindi kandidato o ‘non-candidate’ sa katatapos na halalan si Chua Uy dahil void ang kanyang COC at ang lahat ng botong nakuha niya sa eleksiyon ay ikinukonsiderang stray votes.

Nagbigay-daan naman ito upang si Abante ang maiproklamang nanalo sa katatapos na halalan.

“WHEREFORE, premises considered, the Petition is GRANTED. The proclamation for Respondent LUIS ‘JOEY’ CHUA UY is hereby ANNULLED,” anang poll body.

Nabatid na ginawang basehan ng Comelec ang citizenship ni Chua Uy sa paglalabas ng naturang desisyon.

Ayon sa Comelec, si Chua Uy ay hindi isang natural-born citizen kundi isang ‘naturalized citizen, taliwas sa impormasyong nakasaad sa kanyang COC.

COMELEC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with