^

Metro

Mayor Joy, UP at LGBTQIA+ community nagkaisa sa Lovelaban3 Pride March

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinangunahan ni ­Quezon City Mayor Joy Belmonte ang paglagda sa isang memorandum of agreement sa pagitan ni UP Chancellor Edgardo Carlo Vistan at Pride PH officials para selyuhan ang deklarasyon ng isang malakihan, ligtas at matapang na pagsasagawa ng LoveLaban3 Pride March bukas, Hunyo 21 sa UP Diliman Quezon City.

Bilang pagdiriwang ng Pride Month sa QC, target sa okasyon na makadalo dito ang nasa 250,000 katao na kabibilangan ng LGBTQIA+ community, QC officials,  mga business leaders at ng iba pang sektor na makikiisa sa okasyon.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Belmonte na ang QC ay makakatiyak na walang diskriminasyon sa LGBTQIA+ community dahil pantay-pantay ang pagtrato sa sinumang tao anuman ang pagkatao at kulay nito.

Nakikiisa rin siya sa Pride community at kinikilala ang kahalagahan ng mga ito sa ibat ibang larangan partikular sa edukasyon, negosyo at sa mga paaralan.

Tiniyak naman ni Department of Public Order and Safety (DPOS) head Elmo San Diego ang seguridad at kaligtasan ng mga makikiisa sa pinaka malaking Pride March na ito sa QC sa darating na Sabado.

May nakahanda ring mga emergency response team ang QCDRRMO para tumugon sa anumang emergency sa okasyon.

JOY BELMONTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with