5 nanakit sa PWD, kakasuhan – lawyer
MANILA, Philippines — Nakatakdang sampahan ng kasong kriminal partikular ng kasong Child Abuse ang limang katao na nakita sa viral video na nanakit sa isang persons with disability (PWD) sa loob ng isang pampasaherong bus kamakailan.
Ito ang sinabi ni Atty. Angelo de Alban, abogabo ng biktimang si “Macmac” nang personal na magtungo sa DSWD Batasan Complex Quezon City kasama ang kanyang kapatid.
Sa pahayag ng kapatid ni Macmac, nagkaroon ito ng trauma dahil sa pambubugbog sa kanya sa loob ng Presious Grace Transport nitong Hunyo 13. Sinasabing si Macmac, 25 ay may intellectual disability na nag-aalboroto kapag nakakarinig ng ingay.
Nabatid na nakagawian na ni Macmac na sumakay ng bus para magsimba subalit sa unang pagkakataon noong Biyernes habang sakay ng bus ay nakarinig ito ng mga ingay kaya’t nag-alboroto at nagpumiglas na humatong sa pambubugbog ng mga pasahero at konduktor.
Niliwanag ng pamilya ni Macmac na hindi sila papayag na magkaroon ng out of court settlement kaugnay ng insidente.
Bagamat 25-anyos na si Macmac, child abuse pa rin ang ikakaso sa mga akusado dahil bata pa rin ang pag-iisip nito.
Samantala, nabigyan ng financial assistance ng DSWD si Macmac
- Latest