^

Metro

Index crime sa Metro Manila bumaba ng 8 porsiyento

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bumaba ng 8 porsiyento ang index crime sa Metro Manila sa 17 araw na pamumuno ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Nicolas Torre III simula nitong Hunyo 2.

Ito naman ang pagmamalaki ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief PMGen. Anthony Aberin na bunsod ng pagpapatupad ng 5-minute response time strategy ni Torre.

Sa datos ng Crime Information Reporting and Analysis System (CIRAS), mula 270 kaso ng Eight Focus Crimes noong Mayo 16 hanggang Hunyo 1, bumagsak ito tungong 247 kaso na naitala noong Hunyo 2 hanggang Hunyo 18.

Kabilang sa Eight Focus Crimes ay murder, homicide, physical injury at rape o crimes against persons; robbery, theft, carnapping at motorcycle theft, o crimes against property.

Inihalimbawa ni Aberin ang ilang kaso tulad ng rape na mula 28 bumaba ito sa 18 habang mula 41 at naging 31 sa homicide at mula 43 bumaba sa 34 ang robbery case.

Sa lahat ng police districts sa NCRPO, ang Northern Police District (NPD) ang nakapagtala ng pinakamababang kaso sa mga focus crimes na mula 56 bumaba ito sa 29.

“This outstanding performance underscores the effectiveness of localized crime prevention strategies supported by strong leadership and close coordination with the community,” ani Aberin.

METRO MANILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with