^

Metro

Alvin Que, absuwelto sa Anson Que murder case

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tuluyan nang inabsuwelto ng Department of Justice(DOJ) sa kaso ng pagdukot at pagpatay sa negosyanteng si Anson Que ang kaniyang anak na si Alvin sa pagtatapos ng preliminary investigation.

Ayon sa DOJ, ang pag-absuwelto kay Alvin ay bunsod ng kawalan ng sapat na ebidensya para matukoy ang pagkakasangkot nito sa kaso ng ama.

“Incidentally, Anson Que’s son, Alvin Que, has been exculpated due to lack of evidence to establish or indicate his involvement in the crime...,” ayon sa DOJ.

Nakakita naman ng prima facie evidence para idiin at isulong ang mga kaso laban kina Gong Wen Li alyas “Kelly”.

Naglabas na ng resolusyon ang DOJ para sa paghahain sa korte ng 2 information sa kasong kidnapping for ransom with homicide.

Inirekomenda rin sa resolusyon na i-refer sa Philippine National Police Anti-Cybercrime Group sina Yuan Haohua, Yuan Fangquiang at Lee Hsia Ting para sa case build up para sa posibleng paglabag sa Anti-Financial Account Scamming Act.

Matatandaang ang bangkay ni Anson Que at driver na si Armanie Pabillo, ay natagpuan sa Rodriguez, Rizal habang ang Lexus van na huling sinakyan nila ay inabandona sa ibang lugar, sa kabila ng pagbibigay ng ransom money ng pamilya Que.

Samantala, sinabi ni Prosecutor General Richard Fadullon na ang tatlong pangunahing suspek na sina Richardo Austria alyas Richard Tan Garcia, Reymart Catequista, at David Tan Liao, ay nasampahan na ng two counts of kidnapping for ransom with homicide, sa Meycauayan Bulacan court.

DOJ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with