^

Metro

Quezon City LGU reresolbahin congestion sa mga paaralan

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Quezon City LGU reresolbahin congestion sa mga paaralan
Quezon City Mayor Joy Belmonte.
STAR / Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Handa ang Quezon City government na tulungan ang Department of Education (DepEd) na resolbahin ang problema sa congestion ng mga mag aaral sa mga silid aralan sa pamamagitan ng pagtatayo ng karagdagang mga paaralan sa lungsod.

Ayon kay QC Mayor Joy Belmonte, agresibo ang lokal na pamahalaan na tuldukan ang mga nararanasang suliranin sa mga paaralan at ­hirap ng mga mag-aaral ­dahil isa sa pangunahing prog­rama niya ay ang magkaroon ng quality education ang mga mag-aaral sa lungsod.

Sinabi ni Belmonte na tukoy na nila ang mga lugar na maaaring pag­tayuan ng mga dagdag na paaralan. Anang ­alklade, private land ang bibilhin ng QC LGU para makapagpatayo ng dagdag na paaralan.

Kasama sina DepEd Secretary Sonny ­Angara at Health Secretary ­Teodoro Herbosa, inikot ni ­Belmonte ang ilang paaralan sa District 1 para ma-monitor ang kondisyon ng mga paaralan sa QC.

Ibinahagi ni Belmonte kina Angara at Herbosa na mayroon na silang iba’t ibang modules para ituro sa mga mag-aaral kasama na ang isyu sa usapin ng bullying, HIV at mga learning recovery program interventions para sa mga estudyante.

“Mayroon kaming ­Values Formation para sa mga magulang at hinihiling namin sa mga magulang na banta­yan at turuan nilang mabuti ng tamang ­values ang mga anak” dagdag ni Mayor ­Belmonte.

MAYOR JOY BELMONTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with