Pagsisimula ng klase, ‘generally peaceful’ - PNP
MANILA, Philippines — Itinuturing ng Philippine National Police (PNP) na ‘generally peaceful’ ang pangkalahatang pagbubukas ng School Year 2025-2026.
Ito’y kasunod ng ginawang assessment ng PNP kasama ang Department of Education (DepEd) kasabay ng pagdagsa ng nasa 27 milyong mag-aaral mula preschool hanggang senior high school.
Ayon kay Torre, nasa 37,000 pulis ang ipinakalat sa buong bansa sa iba’t ibang lugar kabilang ang mga paligid ng mga paaralan, transportation terminals, at lansangan upang masiguro ang kaligtasan ng publiko.
Binisita ni Torre ang Batasan High School, President Corazon Aquino Elementary School sa Brgy. Batasan nitong Lunes habang nagtungo rin ito sa Ramon Magsaysay High School sa Ermin Garcia St. corner Edsa kahapon.
Pagtitiyak ni Torre, hindi nila pababayaan ang mga mag-aaral at patuloy nilang poprotektahan ang seguridad gayundin ang kanilang kaligtasan. Bingyan-diin naman ni Education Secretary Sonny Angara, naging matagumpay aniya ang pagsisimula ng klase dahil sa bayanihan sa pagitan ng mga magulang, mag-aaral at ng pamahalaan.
- Latest