P1 dagdag pasahe sa jeep, posible – LTFRB
MANILA, Philippines — Posibleng mapagbigyan ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) ang dati ng petisyon ng mga pampasaherong jeep para maipatupad ang P1 provisional increase sa bansa.
Ito’y ayon kay LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III ay bunga na rin nang naging pagtaas ng presyo ng petrolyo dulot nang sigalot sa Iran at Israel at kung aabutin pa ng $80 ang bawat bariles ng Dubai Oil .
Aniya P1 across the board ang maaaring payagan sa taas pasahe sa jeep pero walang dagdag para sa succeeding kilometer .
Sinabi pa ni Guadiz na pinag aaralan na rin nila ang posibleng taas pasahe sa mga provincial bus na matagal na ring may nakasalang na petisyon para dito. Wala pa naman aniyang galaw sa pasahe sa Metro Manila buses.
Magkahalong pabor at hindi naman ang mga commuters sa inaasahang taas pasahe sa jeep dahil maaari umano itong magdulot ng pagtaas naman ng halaga ng bilihin.
- Latest