^

Metro

Pick-up sa viral road rage video naka-alarma na sa LTO

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naka-alarma na sa Land Transportation Office (LTO) at hindi muna magagamit ang isang sasak­yang pick-up na sangkot sa isang viral road rage video kamakalawa.

Ito ay makaraang ipatawag at pagpaliwanagin ng  LTO ang may ari ng Toyota Hilux na may plakang EAE 6704 na nakita sa viral video na ang driver nito ay walang disiplina at naglagay sa alanganin sa buhay sa mga kalapit nitong sasakyan.

Nakita sa video, na ang pick-up ay paulit ulit na hinaharangan ang isang pampasaherong bus mula sa pag-overtake sa bahaging kaliwa at kanan ng  highway.

Nais ding malaman ng LTO kung ang may-ari ng pick-up na taga Bato, Camarines Sur ay siya ring pasaway na driver ng sasakyan nang maganap ang insidente.

Ang vehicle owner ay pinalilitaw ng LTO Intelligence and Investigation Division, Land Transportation Office, East Avenue, Quezon City sa Hunyo 20 para mag-submit ng written explanation kung bakit hindi siya maaaring makasuhan ng administratibo dahil sa  reckless driving (Section 48 of R.A. 4136) at kung hindi maaaring masuspinde ang lisensiya dahil sa pangyayari.

LTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with