^

Metro

House exec niratrat sa birthday ng anak

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
House exec niratrat sa birthday ng anak
Sinabi ni Lt. Col. Romil Avenido, hepe ng Batasan Police Station 6 ng ­Quezon City Police District (QCPD), naisugod pa sa FEU-NRMF Hospital si Director Mauricio ­“Morrie” Pulhin, 63, ­subalit idineklara na itong dead-on-arrival ng attending physician. 
STAR/File

MANILA, Philippines — Patay sa isang tama ng bala ng baril sa ulo ang Director ng House Ways and Means Committee matapos na pagbabarilin ng ‘riding in tandem’ sa kasagsagan ng pagdiriwang ng ika-7 kaarawan ng kanyang anak na babae kamaka­lawa ng hapon sa Barangay Commonwealth, Quezon City. 

Sinabi ni Lt. Col. Romil Avenido, hepe ng Batasan Police Station 6 ng ­Quezon City Police District (QCPD), naisugod pa sa FEU-NRMF Hospital si Director Mauricio ­“Morrie” Pulhin, 63, ­subalit idineklara na itong dead-on-arrival ng attending physician. 

Ani Avenido, nagsasagawa na sila ng backtracking.

Ayon sa report, bandang alas-2:30 ng hapon nitong Linggo, habang abala sa kaarawan ng anak ay biglang pumasok sa venue ang mga suspek na sakay ng motorsiklo at malapitang pinagbabaril ang biktima saka mabilis na tumakas.

Habang tumatakas ang mga suspek sakay ng motorsiklo ay pinaputukan din nila ang security guard ng subdivision.

Sinabi ni Avenido, sinusuri na nila ngayon ang mga kuha sa CCTV sa lugar upang matukoy ang mga salarin.

Nabatid  kay Avenido na planado ang pagpatay sa biktima kung saan pinag-aralan ng mga suspek ang lugar gayundin ang pagpapagawa ng pekeng ID.

Agad namang bine­ripika ang pekeng ID na iniwan sa guard house at napag-alaman na ­matagal nang nawawala ang pinaggayahang ID.

May person of interest  na ang QCPD at isa sa mga motibong tinitignan ay alitan sa negosyo. Ang biktima ay nasa negosyo ng medical supply.

Nagpa-abot din ng pakikiramay ang pamunuan ng QCPD sa pangunguna ni  Deputy District Director for Administration/Officer-in-Charge PCol.Randy Glenn Silvio at tinitiyak na mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng biktima.

“Anyone with relevant information is urged to report to the nearest police station or contact the PNP Hotline 911, QC Helpline 122, or +63 917 840 3925,” dagdag pa ng QCPD chief.

QCPD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with