^

Metro

Eskuwelahan sa Quezon City nasunog

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang araw bago ang pagbubukas ng klase, nasunog ang isang eskuwelahan sa Brgy. Bagong Pagasa  malapit sa isang kilalang mall sa lungsod ng Quezon City kahapon ng umaga.

Bandang alas-11 ng umaga ng itaas ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang unang alarma ng sunog sa San Francisco High School sa Brgy. Bagong Pagasa ng lungsod.

Sa report ng BFP, mabilis na nagresponde ang kanilang mga tauhan ng matanggap ang report upang maapula ang apoy.

Naitala ang ikalawang alarma ganap na alas-11:03; ikatlong alarma dakong alas-11:14 ng umaga habang nai­deklara naman itong fire under control bandang alas-11:30 ng umaga.

Samantalang naa­pula naman ang sunog ganap na alas-11:58 ng umaga at patuloy naman ang imbestigasyon upang mabatid ang ha­laga ng pinsala sa sunog.

BFP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with