Higit 700 bata pinakain ng adobo sa Las Piñas
MANILA, Philippines — Nasa 700 mga bata ang nakakain ng adobo meal na inihanda ng auxiliary feeding program ng pamahalaang lungsod ng Las Piñas, sa Bonifacio St., Barangay Pamplona Tres, noong Hunyo 11.
Ang inisyatiba ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng lungsod na labanan ang malnutrisyon at suportahan ang kalusugan ng mga kabataang Las Piñeros sa pamamagitan ng programang Kusina ng Las Piñas. Ang pagkain ay inihanda at ipinamahagi ng mga tauhan mula sa City Nutrition Office (CNO), sa pakikipag-ugnayan sa mga barangay nutrition workers.
Dumalo sa naturang aktibidad si Mayor-elect April Aguilar, personal na tumulong sa pamamahagi at pakikisalamuha sa mga residente. Itinatampok ng kanyang presensya ang matatag na pangako ng lungsod na unahin ang kalusugan at nutrisyon ng bata sa lahat ng komunidad.
Patuloy ang inisyatiba ng ng CNO ng lungsod sa pagpapakain sa iba’t ibang barangay bilang bahagi ng mas malawak na layunin na tiyakin ang masustansya, madaling makuha na pagkain para sa mga bata at pamilyang nangangailangan.
- Latest