Pambubugbog, pangunguryente sa PWD sa loob ng bus kinondena ng DSWD
MANILA, Philippines — Mariing kinondena ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang nangyaring pambubugbog at pangunguryente laban sa isang person with disability (PWD) na nag-viral sa social media sa loob ng isang pampasaherong bus sa Edsa busway kamakailan.
Ayon kay DSWD Crisis Intervention Program (CIP) Director Edwin Morata, hindi makatao at dapat na managot sa batas ang mga pasaherong sangkot sa insidente.
“Walang anumang excuse ang ginawa nilang pambubugbog sa nakikita naman nilang person with disability at alam nilang nangangailangan ng pang-unawa. Hindi makatao ang gawaing ganun. Hindi lang isa, tinadyakan, sinusuntok pagkatapos ay ini-electrocute pa,” pahayag ni Morata.
Ayon kay Morata, kabilang sa vulnerable groups ang mga PWDs na dapat na nabibigyan ng sapat na kalinga at proteksyon.
“Government is exerting all efforts to ensure that the persons with disability sector is provided with the needed assistance to help protect their rights, welfare, and lead them to development. Violent actions against any member of the sector set us back in achieving our goal of giving them a chance to nation building,” pahayag ni Morata na sinabing hinahanap na nila ang biktima para mabigyan ng tulong sa tinamong sugat sa katawan at maisalang sa stress debriefing sa sinapit na trauma.
- Latest