^

Metro

Pulis na ‘bopol’ bumaril, sisibakin – Torre

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Pulis na ‘bopol’ bumaril, sisibakin – Torre
Ito naman ang sinabi ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Nicolas Torre III sa kanyang pagdalo sa ika-3 PNP Press Corps 2025 Invitational Shoot Fest sa Camp Karingal sa Quezon City kahapon.
Miguel de Guzman / The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Sisibakin sa puwesto ang sinumang pulis na hindi marunong bumaril at babagsak sa proficiency test.

Ito naman ang sinabi ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Nicolas Torre III sa kanyang pagdalo sa ika-3 PNP Press Corps 2025 Invitational Shoot Fest sa Camp Karingal sa Quezon City kahapon.

Ayon kay Torre, hindi katanggap-tanggap na ang isang pulis ay hindi marunong gumamit ng baril kaya naman may pagsasanay ang Training Service ng PNP upang mas mapabuti pa ng mga pulis ang paghawak at paggamit ng baril.

“Ito ay last recourse at last tool na ginagamit, na allowed na gamitin ng ating mga pulis. So, kailangan kapag mag-final option na tayo, you have to be very, very sure what we are doing... Very, very important ‘yan sapagkat buhay ang nakataya rito,” ani Torre.

Handa rin si Torre na pangunahan ang proficiency test na isasagawa ng PNP Directorate for Human Resource and Doctrine Development. Bumili na rin sila ng maraming bala na gagamitin sa pagsasanay ng mga pulis.

Sakaling bumagsak sa proficiency test, sinabi ni Torre na handa siyang magretiro.

Samantala, bukod kay Torre, dumalo rin sa pagbubukas ng shootfest sina National Police Commission Vice Chairperson and Executive Officer Rafael Vicente Calinisan, PNP spokesperson BGen. Jean Fajardo at Quezon City Police District director Col. Randy Glenn Silvio.

PNP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with