^

Metro

Gun runner utas sa buy-bust, 1 pa timbog

Ludy Bermudo, Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang lalaki nang manlaban sa mga pulis na umaaresto sa kanya sa isang gun buy-bust operation sa Pasig City habang isang gun runner naman ang inaresto sa Taguig City.

Ang suspek na si alyas “Boy”, 21, ng Brgy. Pinagbuhatan ay sinasabing sangkot sa ilegal na pagbebenta ng baril, gayundin sa ilang insidente ng holdapan sa lungsod at suma-sideline rin bilang gun-for-hire.

Lumilitaw na naganap ang insidente sa isang buy-bust operation na ikinasa ng mga pulis sa Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City, maghahatinggabi ng Huwebes, matapos na makatanggap ng tip hinggil sa ilegal na aktibidad ng suspek.

Ayon kay PMaj. Loreto Tigno, ng Pasig City Police Station, pumayag ang suspek na makipagkita sa poseur buyer at ibinenta sa halagang P21,000 ang isang kalibre .45 na baril.

Gayunman, nang makuha ang buy-bust money ay tinangka pa umanong i-double cross ng suspek ang poseur buyer dahil sa halip na ibigay ang ipinagbiling baril ay tinangka pa niya itong iputok sa pulis.

Mabuti na lamang umano at kaagad na nakatakbo ang pulis at mabilis ding nakaresponde ang kanyang mga back-up na siyang nakapatay sa suspek.

Lumitaw din sa imbestigasyon na bago ang operasyon, nangholdap pa ang suspek at isang kasamahan nito na tukoy na rin ng mga pulis at tinutugis na ngayon.

Samantala, dinakma naman sa Taguig City si alyas “Mark”, 39, sa aktong nagbebenta ng baril bandang alas-12:30 ng madaling araw kahapon sa Lawton Avenue corner Santos Extension St., Brgy. South Cembo, Taguig City.

Ayon kay  PLt. Colonel Antonio Ananayo, Officer-in-Charge ng Southern Police District – District Special Operations Unit (DSOU), ikinasa ang  operasyon kasunod ng isang tip.

Nasamsam ang dalawang kalibre .45 baril na burado ang serial numbers at 2 magazine na may apat na bala at narekober ang marked money na ­ginamit sa buy-bust.

Isasailalim sa inquest proceedings ang suspek sa Taguig City Prosecutor’s Office sa paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act).

POLICE STATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with