Higit 48 toneladang basura nakulekta ng MMDA sa creek
MANILA, Philippines — Bilang paghahanda sa posibleng mga pagbaha dulot ng mga pag-ulan, nagsisimula na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa paglilinis ng mga creek sa Kalakhang Maynila.
Nabatid na umaabot sa 48 toneladang basura ang nakulekta ng MMDA sa ginawang cleanup drive sa Maligaya Creek sa lungsod ng Caloocan.
Kasama ng MMDA ang city government Caloocan at Department of Environmental and Natural Resources para mahakot ang mga basura sa nasabing creek na malapit sa La Loma Cemetery.
Ayon sa MMDA, ang operasyon ay bahagi ng “Bayanihan sa Estero” na layong linisin ang mga estero at maiwasan ang pagbaha.
Batay sa record ang basura ang isa sa mga sanhi ng pagbabaha sa MM.
- Latest