8 pulis sibak sa illegal raid
Walang ‘second chance’
MANILA, Philippines — Tiniyak ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief PMGen. Anthony Aberin na wala nang ibibigay na second chance sa mga pulis makaraanng sibakin sa serbisyo ang walong tauhan ng Substation 5 ng Taguig City Police Station dahil sa illegal raid.
“Pursuant to the strategic direction laid down by the Chief PNP, PGEN Nicolas Torre III, the NCRPO will stand firm and uncompromising on ensuring police accountability within the ranks. Let it be known: there will be no second chances for police scalawags,” ani Aberin.
Nabatid sa inilabas na desisyon ng Disciplinary Authority nitong Hunyo 8, 2025, limang pulis ang pinatawan ng Grave Misconduct, Less
Grave Misconduct, at Conduct Unbecoming of a Police Officer habang ang tatlo ay pinatawan ng Less Grave Misconduct at Conduct Unbecoming of a Police Officer.
Pinatawan naman ng one-rank demotion ang substation commander para sa Grave Neglect of duty, habang abswelto naman ang isang opisyal.
Nag-ugat ang pagsibak sa walong pulis ng Taguig CPS Substation 5 dahil sa iligal na pagsalakay sa isang bahay noong Pebrero 9, 2025 kung saan tinangay umano ng mga operatiba ang P76,000.00 cash at ilang electronic device.
Nang mag-viral ang video ng insidente ay agad nagsagawa ng imbestigasyon, dinisarmahan at sinibak sa puwesto ang mga sangkot noong Pebrero 10.
- Latest