^

Metro

DOTr: MRT-7, operational na sa 2027

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kumpiyansa si Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon na magi­ging operational na ang Metro Rail Transit Line 7 (MRT-7) sa taong 2027, o bago matapos ang termino ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay Dizon, ang mabilisang pagtapos sa MRT-7 pagkatapos ng mahigit isang dekadang delay, ay bilang pagsunod sa utos ng Pangulo na bilisan ang proyekto para mapabilis at pagin­hawain ang biyahe ng mga komyuter para sila ay makapagpahinga at magkaroon ng oras para sa pamilya.

Matapos ang inspeksyon sa MRT-7 depot sa Quirino Highway, Quezon City, Batasan Station, at ibang pasilidad nito, sinabi ni Dizon na kailangang matapos na rin ang Common Station para mapabilis ang paglipat ng mga kom­yuter papuntang MRT-3 at LRT-1.

Binigyang-diin pa ng kalihim ang benepisyo ng MRT-7 gaya ng mas mabilis na travel time ng mga pasahero mula North Avenue sa Que­zon City hanggang sa San Jose Del Monte sa Bulacan at maiibsan ang matinding trapik lalo na sa Commonwealth Ave.

Aniya, sa tulong ng San Miguel Corporation, maituturing na “best practice” ang MRT-7 at ito ay ia-apply aniya sa mga gagawin pang tren ng DOTr.

Sa kasalukuyan, nasa 83.08% na ang overall progress ng MRT-7 na inaasahang makakapagserbisyo ng 600,000 pasahero kada araw sa unang taon ng operasyon nito.

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with