Ginhawa sa mga pasahero sa NAIA, tiniyak ng DOTr
MANILA, Philippines — Makakaasa na ng maayos at maikling linya ang mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos ang kasunduan sa pagitan ng Department of Transportation (DOTr), Bureau of Immigration (BI) at Manila International Airport Authority (MIAA) matapos ang utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na i-streamline ang mga proseso sa paliparan upang matiyak ang kaginhawahan ng mga pasahero sa NAIA.
Sinabi ni Transportation Senior Undersecretary Giovanni Lopez na ang mga tauhan ng BI na naka-post sa pangunahing gateway ng bansa ay gumaganap ng mahalagang papel sa pagtiyak na ang lahat ng mga pasahero maging Overseas Filipino Workers, lokal na manlalakbay at dayuhang turista ay ligtas, habang ginagarantiyahan ang kanilang mahusay na paggalaw.
Ang BI ay magbibigay ng 24/7 immigration services para suportahan ang MIAA sa pagtupad sa mandato nito na magbigay ng international standard airport accommodation at serbisyo kung kinakailangan.
- Latest