^

Metro

Teves pinalilipat sa Bicutan jail

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Teves pinalilipat sa Bicutan jail
Former lawmaker Arnolfo Teves (C), a murder suspect, is escorted by East Timorese security personnel for deportation to his home country at Presidente Nicolau Lobato airport in Dili on May 29, 2025, after the East Timorese government decided to deport Teves for being an illegal immigrant deemed a threat to national security.
AFP / Valentino Dariell De Sousa

MANILA, Philippines — Ipinalilipat na ng korte sa Metro Manila District Jail (MMDJ) sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City si dating ­Negros Oriental Representative Arnolfo “Arnie” Teves Jr. batay na rin sa inisyung commitment order.

Ito ay may kinalaman sa mga kasong murder, frustrated murder, at attempted murder na kinakaharap ni Teves dahil sa umano’y pagpapapatay kay Negros Oriental Go­vernor Roel Degamo at 10 iba pa noong 2023, at hinahawakan ngayon ng Manila RTC Branch 51.

Batay sa 5-pahinang kautusan ng korte, ibinasura nito ang mosyong inihain ng kampo ni Teves na humihiling na manatili siya sa detention facility ng National Bureau of Investigation (NBI) na nasa loob ng compound ng New Bilibid Prison (NBP).

Naunang naghain ang kampo ni Teves ng ­mosyon sa korte na humihiling na mapanatili sa kustodiya ng NBI para umano sa kanyang kaligtasan.

Hindi rin nito binigyan ng bigat ang pahayag ng kampo ng dating mambabatas na nagsabing maaari siyang dumanas ng ‘torture, inhuman, o degrading treatment.’

Dagdag pa ng ­korte, wala rin umano silang nakikitang banta sa kaligtasan at buhay ni Teves at lumilitaw na pumipili lamang si Teves ng kanyang detention facility para sa kanyang sariling ‘convenience’ o ­kaginhawahan.

Nauna rito, kamaka­lawa ay ang hukuman na ang nagpasok ng not guilty plea para kay Teves sa idinaos na ­arraignment sa kinakaharap na ­kasong pagpatay kay ­Degamo at iba pang indibidwal, matapos na tumanggi itong magpasok ng anumang plea at igiit ang kanyang karapatan sa pananahimik.

MMDJ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with