^

Metro

MRT-3, naka-heightened alert na sa pagbubukas ng klase

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
MRT-3, naka-heightened alert na sa pagbubukas ng klase
Commuters board the Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) train coaches at North EDSA Station in Quezon City on March 18, 2025.
STAR/ Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Ngayon pa lamang ay naka-heightened alert na ang pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) para sa pagbubukas ng klase sa bansa sa Lunes, Hunyo 16.

Ayon sa MRT-3, ito’y bilang paghahanda sa ligtas na pagbabalik-eskwela ng mga estudyante sa susunod na linggo.

Anang MRT-3, nakaantabay ang kanilang mga security at station personnel upang ­umagapay sa pangangailangan ng mga pasahero partikular sa mga mag-aaral.

Mayroon din anilang mga K-9-unit mula sa MRT-3 at sa Philippine Coast Guard (PCG) na nagbibigay ng seguridad laban sa anumang posibleng bomb-related threats.

Magde-deploy din umano sila ng commuter welfare assistants na maaaring lapitan para sa anumang katanungan.

Ang MRT-3, na bumabagtas sa kahabaan ng EDSA, ang siyang nag-uugnay sa Taft ­Avenue, Pasay City at North ­Avenue, ­Quezon City.

MRT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with