^

Metro

Rider na ‘tulak’ todas sa angkas

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Rider na ‘tulak’ todas sa angkas
Map of Metro Manila with Manila highlighted
Wikipedia photo

MANILA, Philippines — Patay ang isang lalaki na pinaghihinalaang ‘tulak’ ng iligal na droga matapos pagbabarilin ng isa sa kanyang mga angkas sa Tondo, Maynila.

Sa inisyal na ulat ng Manila Police District-Station 1, kinilala ang biktima na si alyas “Toto”, 35, na nagtamo ng mga tama ng bala sa ulo at katawan.

Nangyari ang insidente bandang alas-4:25 ng hapon nitong Martes sa Taliba St., Tondo, Maynila.

Lumilitaw na nakitang angkas ng biktima ang dalawang lalaki sa kanyang motor hanggang sa pagsapit sa crime scene, isa sa mga angkas ang bumaril ng dalawang ulit sa biktima.

Matapos ang pamamaril ay lumipat ang dalawang lalaking angkas sa isang nakasunod na motorsiklo at tumakas.

Nadamay din ng ligaw na bala ang nakaparadang gray na SUV sa may eskwelahan.

Nagsasagawa naman ng backtracking ang MPD-Homicide Section para matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek, na sinasabing kilala ng biktima.

Dati umanong residente ng lugar ang biktima na sangkot sa bentahan ng illegal drugs na lumipat na sa Novaliches, Quezon City.

MAYNILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with